
Sweet naman ni Alden!
Panay ang papuri ng Unang Hirit host na si Love Añover nang muli niyang makita ang Pambansang Bae Alden Richards nang mag-guest siya sa Eat Bulaga.
Ibinahagi ng Reyna ng Kalsada sa kaniyang mga followers sa Instagram ang selfie niya with the Kapuso actor.
Sa post ni Love, sinabi nitong natutuwa siya na wala pa rin pinagbago ang AlDub actor. Aniya, “Ayiiiiiiiii!!! @mainedcm pahiram ng Moment So great seeing you again @aldenrichards02 Buti ka pa pumayat ka!!! Ako, maganda lang Walang pagbabago!!! Parang kahapon lang tayo huling nagkita!!! Salamat sa palagiang pagiging malambing kada kita natin.”
Tinulungan din ni Alden Richards si Love na magpraktis para sa Pinoy Henyo segment ng noontime show.
Silipin ang naging practice sessions nina Alden Richards at Love Añover:
MORE ON ALDUB:
Maine Mendoza's Facebook account hacked yet again?