What's Hot

Cast ng 'A1 Ko Sa'yo,' kumportable na sa isa't isa

By BEA RODRIGUEZ
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 22, 2020 7:16 AM PHT

Around GMA

Around GMA

DSWD to reach out to more street dwellers amid holidays
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas

Article Inside Page


Showbiz News



Pakatutukan ang magandang chemistry ng mga arista ng 'A1 Ko Sa'yo'


Ilang behind-the-scene videos ang in-upload ng A1 Ko Sa‘yo cast at kitang-kita ang kanilang bonding sa set. 

 

Our happy dance from last night's A1 ko sa ' yo ratings :) haha #A1KoSaYo @geecanlas

A video posted by @solennheussaff on

 

 

#A1KoSayo Twitter party mamaya at 10PM!

A video posted by benjamin alves (@benxalves) on

 

 

Yesterday's snaps from #A1KoSayo taping and pilot episode viewing! Wheww thank you for giving us high ratings and making us trend, next week ulit! Follow me on Snapchat: msgeecanlas ???????? #SnappyGee @solennheussaff @sefcadayona @benxalves @jaclynjose @irenedepp

A video posted by @geecanlas on

 
“Super saya, parang close na kaming lahat kahit first time lang kami magkatrabaho. Fortunately, I’m with a lot of people na magaling talaga sila, and I’m learning a lot,” saad ni sexy actress Solenn Heussaff sa report ng Unang Hirit.
 
Nag-trending ang pilot episode ng bagong sexy comedy kaya looking forward ang komedyanteng si Gee Canlas sa mga susunod na episodes nito, “Right now, ito na ‘yung masarap na moment na nagkakilala na ang mga characters.”
 
Kahit sanay na ang Bubble Gang star na si Sef Cadayona sa pagpapatawa, sinisigurado niya pa rin na ibigay ang kanyang best. Ani, “Pinagbubutihan namin dito, lalo nang siyempre nandito ‘yung Best Actress natin sa Cannes ngayon, si Ms. Jaclyn Jose.”
 
Habang suki na ang tatlo sa komedya, newcomer naman ang hunk actor na si Benjamin Alves, “Hindi ko na-realize, mas mahirap pala gumawa ng comedy kaysa sa drama.”
 
Ayon naman sa direktor na si Randy Santiago, puros kulitan at wala raw pressure sa set kaya nag-reflect naman ito sa pilot episode nila. Nakangiting sabi niya, “Nakakatuwa naman, siyempre ‘yung magandang pagtangkilik nila. Sana tuloy-tuloy ‘to.”
 
Kuwento ni Kapuso star Gardo Versoza, good vibes at self-reflection raw ang dala ng show na ito, “Habang pinapanuod nila, maaliw sila at makikita nila, ‘Ay, ako pala ‘yun!’ Maraming makaka-relate.”
 
Nag-sample pa ang batikang aktor na si Roi Vinzon bilang isang paminta na kinakagat ang daliri, “My golly! Ibang klase ‘tong ginagawa ko! A1 Ko Sa‘yo, manuod po kayo!”

 


 
MORE ON A1 KO SA‘YO:

 

 

Randy Santiago feeling Brillante Mendoza dahil nadi-direk si Jaclyn Jose? 
 
Sexy comedy 'A1 Ko Sa'yo' aims to change the landscape of late primetime