Panibagong blessing ang natanggap ng Eat Bulaga host na si Jose Manalo dahil kasama siya sa highly-anticipated sitcom na pagsasamahan nina Vic Sotto at Aiai Delas Alas na Hay, Bahay!
Sa press launch ng Hay, Bahay! na ginanap noong Lunes, June 13 sa 17th floor ng main building ng GMA Network, natanong ang magaling na komedyante kung magkakaroon ba ng sapawan sa mga bigating comedians na part ng show.
Ayon kay Jose, malabo raw na mangyari ‘yun dahil alam ng lahat na ito ay team effort at magaling umalalay ang mga veteran comedians tulad nina Aiai at Vic.
Paliwanag ni Dabarkad Jose, “Lalo po si Bossing, si Ms. Aiai alam na po natin kung gaano ka-beterano, ganun din sina Oyo (Sotto) at si Tin (Kristine Hermosa). So wala na pong sapawan, si Bossing kasi alam niya, si Ms. Aiai alam nila kung kelan sila bibitaw para ibigay ‘yung punch line at alam din nila kung kelan nila kami ile-lead para papunta doon sa punch line na gusto namin mangyari dun sa ginagawa po namin.”
Malaki rin daw tulong ang naging training niya sa Eat Bulaga para hindi magkaroon ng sapawan sa kaniyang mga katrabaho.
“Na-train na po nila kami ng husto ‘yun nga po ‘yung isang pasasalamat namin dahil nagawa namin ho, workshop po kasi ‘yung Eat Bulaga na live na nadadala namin kahit saan, na ‘yung alalay sa amin nila ni Bossing na ‘yung respeto sa nakakataas na komedyante at respeto dun sa nakabababang komedyante napag-aralan na din po namin ‘yun.”
Maingat din daw sila sa mga ginagawa nilang mga adlib at ipinagpapaalam daw nila ito sa kanilang director na si Direk Bibeth Orteza.
“Nirerespeto po namin ‘yung mga writers at director. Kung mayroon man po kaming ia-adlib, sinasabi naman po namin sa director.”
MORE ON 'HAY, BAHAY!':
READ: Why did Kristine Hermosa choose to do 'Hay, Bahay!' over return to ABS-CBN
EXCLUSIVE: Behind-the-scenes in Hay, Bahay!'s pictorial & plug shoot