
Tinuro din ni Mars Isabel ang pag-ngiti sa iba’t ibang direksyon.
Kamakailan ay pinag-usapan sa social media ang pagiging “Kabugera Queen” ni actress Maria Isabel Lopez sa red carpet event ng Cannes Film Festival 2016. Agaw-eksena raw kasi siya sa pagkanominado ng kanilang pelikula na Ma’ Rosa sa pangunguna ni Direktor Brillante Mendoza at pagkapanalo ni Cannes Best Actress Jaclyn Jose.
READ: Jaclyn Jose reacts to show stealing of Maria Isabel Lopez in Cannes
Sa programang Mars, muling nagbigay ng pahayag ang aktres. “Unintentional” umano ang kanyang pagiging show stealer sa naturang awarding ceremony, “’Yung sinasabi nilang ‘mind the gap’ [ay] dahil ayaw ko lang maapakan ‘yung gown ko. ‘Pag naapakan ‘yung gown ko, ‘yung train ko, it is really walang poise. Make sure you protect yourself by putting a little gap.”
Ika nga, “wear the dress, don’t let the dress wear you” kaya payo ni Mars Isabel, ang dapat ayusin sa damit ay nagawa na bago makarating sa event mismo.
Bahagi ng movie actress, “Para pagdating mo, nandun na ‘yung confidence mo. Conquer the space [at] kapag nakita mo na ‘yung results ng photo mo, pwede mo nang i-crop ang sarili mo.”
Ang napakaimportante raw sa lahat ay ang ngiti sa pamamagitan ng pag-smize o “smile with your eyes.” Pinakita ito ng aktres at ipinaliwanag kung paano gawin, “When you’re smiling, think positive and beautiful thoughts para hindi fake ang iyong smile. Napakahalaga na mag-smile ka with sincerity. Fill yourself with good thoughts.”
Tinuro ni Mars Isabel ang pag-ngiti sa iba’t ibang direksyon, “Smile to the left, right, up and down para hindi boring. (laughs)”
Ang target niya lang umano ay maging “standout” sa kahit anong event na pupuntahan niya. Saad niya, “’Pag sinabing kabog in English, parang knockout – how to be a knockout wherever you are [and] even in any situation. [You have] to standout even in just a party or in any social setting.”