What's Hot

Derrick Monasterio, umasang naibahagi ang pagiging 'kind-hearted'

By MARAH RUIZ
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 23, 2020 1:46 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'Unang Hirit' funliner Jenzel Angeles marries non-showbiz partner
P5 increase in tricycle fare in Dumaguete City sought
Libreng papsmear at breast examination, handog ng GMAKF sa bayan ng San Miguel | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News



Matatandaan na ang character ni Derrick na si Calvin ang nagpa-amo at unang nag-aruga sa feral child na si Ana na ginagampanan naman ni Bea Binene.


PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com

Mapapanood ngayon si Kapuso hunk Derrick Monasterio bilang Calvin sa GMA Afternoon Prime series na Hanggang Makita Kang Muli. Katambal niya dito si Bea Binene na gumanap naman bilang ang feral child na si Ana. 

Umaasa daw si Derrick na naipamalas niya ang isang mahalagang bagay sa lahat ng nanonood ng serye.

READ: Derrick Monasterio nilinaw na hindi siya nanliligaw kay Bea Binene

"'Yung pagiging kind ni Calvin, especially sa creatures," pahayag niya sa ekslusibong panayam ng GMANetwork.com.

"Feeling ko naapektuhan ko 'yung tao kung paano maging kind-hearted sa mga creatures na wala sa tamang pag-iisip. Feeling ko 'yun 'yung pinaramdam ko sa mga tao. Sana 'yun 'yung na-feel nila," dagdag pa nito. 

Matatandaang si Calvin ang nagpa-amo at unang nag-aruga sa feral child na si Ana.

Bukod dito, naging mabuti na rin daw ang kanyang relasyon sa direktor nilang si Laurice Guillen.

"Si Direk Laurice, super iba. Nakakatakot po siya sa umpisa pero noong tumagal tagal na, kapag feeling niya nakuha niya na 'yung gusto niya sa iyo, hindi ka na niya masyadong kakausapin. Hindi ka na niya masyadong papagalitan," bahagi ni Derrick.

Kumukunsulta din daw siya kay Direk Laurice tungkol sa kanyang trabaho.

"Kinakausap ko din siya after noong [takes], kung okay ba sa kanya 'yung ginawa ko para at least natututo ka bilang artista eh. Kumbaga naaaral mo nang mabuti 'yung lines mo, 'yung script," paliwanag nito.

READ: Ano ang pinakamagandang show na nagawa ni Derrick Monasterio

Nabago din ng Hanggang Makita Kang Muli at pagta-trabaho sa ilalim ni Direk Laurice ang kanyang work ethic. 

"First time kong ginawa 'yun sa lahat ng shows ko. Binabasa ko talaga 'yung script from page one to the last page," aniya. 

MORE ON DERRICK MONASTERIO: 

Derrick Monasterio soaks up the sun in mens magazine cover

WATCH: Derrick Monasterio's 'Give Me One More Chance' official music video