What's Hot

Samahan sina Agent K at Agent J sa 'Men in Black'

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 21, 2020 9:38 AM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Timely Stephen Curry scoring helps Warriors defeat Mavericks
Christmas not the same for all, calamity survivors show

Article Inside Page


Showbiz News



'Men in Black' sa GMA Blockbusters, Linggo, June 19, pagkatapos ng 'Dear Uge.' 


Isang pulis sa New York si James Darell Edwards III. Makakatanggap siya ng isang misteryosong business card at nang puntahan niya ang address na nakasaad dito, dadaan siya sa iba't ibang mga pagsubok. 
 
Matapos ma-kumpleto ang mga ito, isang lalaki na magpapakilala bilang Agent K ang mag-aalok sa kanya ng trabaho bilang parte ng Men In Black (MIB).  Isa itong organisasyon na namamahala ng mga aliens at kanilang mga aktibidad sa Earth. 
 
Tatanggapin ni James ang trabaho at buburahin ang kanyang pagkatao at makikilala na ngayon bilang si Agent J ng MIB. 
 
Magiging partners sila ni Agent K at isa sa kanilang misyon ay hanapin ang isang alien na ginagamit ang balat ng pinaslang niyang magsasaka. 
 
Paano sasanayin ni Agent J ang kanyang sarili sa bago niyang trabaho? Ano ang pakay ng alien na ito sa planeta?
 
Alamin sa Men in Black sa GMA Blockbusters, Linggo, June 19, pagkatapos ng Dear Uge sa GMA.