
"Actually sobrang excited ako para sa mga tao kasi alam ko 'yung feeling ng part ng audience kasi may pagka-geek din ako sa mga ganyan." - Kylie Padilla
Habang nasa backstage ng ToyCon 2016 noong Sabado, June 11, nakapanayam ng GMA News si Kylie Padilla, ang gaganap na amihan sa Encantadia.

Inamin ni Kylie na naiintindihan niya ang kagalakan ng mga fans ng Encantadia sapagkat siya rin daw ay may geeky side.
"Actually sobrang excited ako para sa mga tao kasi alam ko 'yung feeling ng part ng audience kasi may pagka-geek din ako sa mga ganyan. The last time I was here (SMX Convention Center), pinanood ko 'yung mga YouTubers na dumating dito so iniisip ko kanina backstage, last time I was here I was part of the audience tapos ngayon ako 'yung inaabangan nila," sabi niya.
Binahagi rin ng aktres ang kaniyang favorite part bilang isang artista. "Sobrang daming blessings tapos ang dami ko pang napapasaya; nagbihis at nag-makeup lang ako tapos ang saya nila. Ayon 'yung favorite ko sa trabaho na 'to."
Pabiro namang sinagot ni Kylie nang tanungin siya kung ano ang pagkakatulad nila ng kaniyang karakter. "Wala masyado! (laughs) Parehas kaming daddy's girl pero after that wala na, sobrang layo ko na kay Amihan."
Kinuwento rin niya na noong siya'y nag-audition para sa Encantadia, hindi ito para sa role ni Amihan.
Ayon kay Kylie, "Noong sinabi sa akin na Amihan ['yung role ko], medyo kinabahan ako kasi gusto ko 'yung role ni Pirena so iyon 'yung inaral ko. But then nung sinabi ni Direk (Mark Reyes) sa akin, siyempre inaral ko and after nungfirst taping day nakikilala ko siya lalo. Love ko na siya."
Lastly, ano kaya ang masasabi ni Kylie ngayong suot-suot niya na ang kaniyang gown na design pa mismo ni Francis Libiran?

"Sobrang nakaka-demure siya [and] royal, pero mabigat! Ganoon pala 'yon kapag royal ka, may dala-dala kang kurtina. (laughs) Pero sobrang ganda, I'm thankful na ang ganda ng design," sagot ng aktres.
MORE ON KYLIE PADILLA:
EXCLUSIVE: The cast of 'Encantadia' take Toy Con 2016 by storm!
Mga bagong 'Encantadia' Sang'gres, excited na sa muling pagbubukas ng Lireo!
Kylie Padilla, masaya sa pagganap ng karakter na inspirasyon sa mga kababaihan