What's Hot

READ: Ruffa Gutierrez, sinagot ang isang netizen sa isyu na ayaw daw niya magpa-picture 

By AEDRIANNE ACAR
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 20, 2020 4:48 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Dagan sa Panahon Sayran nato Karong Adlawa | Balitang Bisdak
Jeepney driver, patay matapos barilin ng salaring nagkunwaring pasahero sa Antipolo City
Michelle Dee celebrates the holidays with a designer bag

Article Inside Page


Showbiz News



"Kindly tell your Tita I declined to have my photos taken 'cuz I was rushing to catch my flight." - Ruffa Gutierrez


Nakapukaw sa atensiyon online ang naging palitan ng comment sa pagitan ng actress/TV host na si Ruffa Gutierrez at isang netizen.

Nagbakasyon kamakailan si Ruffa sa bansang Japan at may isang netizen na nag-comment sa isang photo niya sa Instagram. Ibinahagi ng nasabing netizen ang isang insidente na ayaw daw ng aktres na magpa-picture.

Ayon sa comment ng netizen na si @satokimberly08, hindi daw pumayag na magpakuha ng litrato si Rufa sa kaniyang Tita nang makasalubong daw ito.

“@iloveruffag galit na galit sayu tita ko suplada ka daw  nakita ka niya kahapon sa nagoya eki magpapa pic sana pero nagmamadali daw kayu ! Hahahahaha ! nagwawala siya sa facebook subrang galit”

Nag-reply si Ruffa sa naging post na ito ni @satokimberly08 at sinabi ng celebrity mom na may hinahabol daw siyang flight ng mga oras na iyon.

Depensa pa ni Ruffa na magiliw daw siya sa mga taong na gustong magpa-picture sa kaniya.

“Bakit siya nagwawala sa galit?! Is it a pre-requisite that I MUST have my photo taken with her??  Kindly tell your tita I declined to have my photos taken cuz I was rushing to catch my flight. As soon as I jumped on the train with my 4 suitcases the doors closed. I've never had a reputation of being suplada FYI. There's a reason behind everything. Cheers!”

 

Had a fantastic day at the Matcha farm. ???????? Loving my Japanese adventures with my happy family! ?????????????? Now time for late lunch! #HappyLifeOsaka

A photo posted by Ruffa Gutierrez (@iloveruffag) on


MORE ON RUFFA GUTIERREZ:

IN PHOTOS: Mga artistang nasaktan man, pero umibig ulit!