What's Hot

"I'm not dying!" - Basti Artadi, on his medical condition

By MARAH RUIZ
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 25, 2020 5:16 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Beyonce declared a billionaire by Forbes magazine
Dagan sa Panahon Sayran nato Karong Adlawa December 29, 2025 | Balitang Bisdak
The most controversial stories of 2025

Article Inside Page


Showbiz News



The rock icon and theater actor clarified what caused the paralysis of the right side of his face. 


Agad na kumalat sa internet ang isang post ni Wolfgang lead singer Basti Artadi, ngayon, June 21.

Sa nasabing post, inamin ng rakista na mayroon siyang tumor na na-diagnose noong 2009 pa. Ito ang naging dahilan ng pagka-paralisa ng kanang bahagi ng kanyang mukha.

Bumuhos naman ang suporta ng kanyang mga fans at mga kasamahan niya sa industriya. Kasabay nitong kumalat ang ilang maling akala sa kanyang kundisyon. 

Agad namang nag-post sa kanyang Twitter si Basti, para linawin na hindi 'brain tumor' ang natagpuan sa kanyang ulo at hindi siya mamamatay dahil dito. 

Sa orihinal na Facebook post ni Basti, nabanggit niyang nasa ugat sa kanyang ulo at hindi sa mismong utak ang tumor.

"In 2009, I was diagnosed with a tumor in my head, this tumor is on the nerves that control the right side of my face which is what is causing the paralysis," sulat niya. 

Nagbebenta ng mga t-shirts si Basti para tustusan ang operasyon para maayos ang kanyang mukha.

Basahin ang orihinal na Facebook post ni Basti: 

 

Nakatakda rin lumabas si Basti sa "American Idiot" play ngayong June hanggang July.