What's Hot

'Pepito Manaloto' stars sasali sa 'Wowowin'?

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 19, 2020 1:00 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DOJ official: Discaya couple should return ill-gotten assets, if any, to state
Woman bashed on the head with hammer by ex-BF

Article Inside Page


Showbiz News



Pakatutukan ang mga mainit na kaganapan sa ngayong Sabado kasama sina Willie Revillame at Sarap Diva host Teri Gian.


Umaatikabong tawanan ang naghihintay sa inyo mga Kapuso sa darating na Sabado ng gabi, June 25 sa Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento.

Number one fan kasi ng high-rating game show na Wowowin sina Patrick at Robert. Sa kagustuhang mapanood si Kuya Willie Revillame ng live may makikilala silang dalawa na isang coordinator ng show na puwede silang ipasok sa show at maging studio audience.

Ang problema kailangan nilang magbayad para makapanood at mabigyan ng jacket. Nakaamoy si Tommy at binalaan sina Robert at Patrick na walang bayad ang panonood sa Wowowin. 

Paniwalaan kaya nila si Tommy sa babala nito?

Mukhang may nangangamoy away din sa pagitan ni Berta at Janice. Ilalaban kasi nila ang mga anak sa “Search for the Cutest Baby” contest. Sino sa dalawang mommy ang magwawagi at manatili kaya ang friendly competition sa pagitan nina Janice at Berta?

Tutukan lahat niyan sa darating na weekend. Special guest sa Pepito Manaloto sina Kuya Willie Revillame at Sarap Diva host Teri Gian. Lahat n 'yan mapapanood ninyong sa Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento sa June 25 pagkatapos ng 24Oras Weekend.

 

Thanks #PepitoManaloto family sa pag guest po sa akin. Sobrang saya ng taping. Sna maulit hehehe. Namiss ko bigla mag sitcom... #Soon #ThankYouLord #Blessings

A photo posted by Terry Gian (@terrygian) on


MORE ON PEPITO MANALOTO:

EXCLUSIVE: Ano ang payo ni Nova Villa sa tuwing mabubulol sa taping ang co-star nito na si Ronnie Henares?

#IdealMan: Funny Kapuso Hunks