Freddie Aguilar, pumanaw na sa edad na 72

Pumanaw na ang legendary OPM icon na si Freddie Aguilar sa edad na 72.
Namayapa ang "Anak" hitmaker sa Philippine Heart Center sa Quezon City ngayong Martes, May 27, ayon sa Facebook post ng aktres na si Vivian Velez.
Sulat niya, "OPM icon Freddie Aguilar has passed away today (May 27) at the PH Heart Center Hospital. He was 72 years old. Our heartfelt condolences to his family and loved ones. His music will forever live on in our hearts. #FreddieAguilar".
Ayon sa mga ulat, binawian ng buhay si Freddie kaninang 1:30 ng umaga.
Bukod sa "Anak," ilan lamang sa mga pinasikat niyang kanta ang "Magdalena," "Minamahal Kita," at "Ipaglalaban Ko." Naging popular din ang bersyon niya ng kantang "Bayan Ko."
Naging national executive vice president ng Partido Federal ng Pilipinas din ang folk singer.
Noong 2016, hinirang siyang Presidential Adviser on Culture and the Arts ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.









