
AlDub reveals real score between them!
Thank you, @aldenrichards02. Happy 11th! ???? pic.twitter.com/pf77H3ZZZL
— Maine Mendoza (@mainedcm) June 16, 2016
Ibang-iba na raw ang closeness ng Eat Bulaga stars na sina Alden Richards at Maine Mendoza sa grand press conference ng kanilang nalalapit na pelikula na 'Imagine You and Me.'
Ini-reveal pa ng tambalang AlDub ang kanilang real score. Diretsong sinagot ng Kapuso actor, “Opo, [may] relationship, [parang] mutual [na] nagkakaintindihan.”
Wala mang label ang kanilang relasyon ay inilahad ng aktres na, “Ang daming kinds of relationship.”
Ang importante raw ay ang kanilang love team. “Ngayon, we’ve never been stronger,” ani ng That’s My Bae host na sinang-ayunan ng kanyang leading lady, “Stronger than ever.”
Ibinunyag naman ng movie director na si Michael Tuviera ang kanilang magiging kissing scene, “On screen or off screen? Laglagan na ‘to guys, laglagan na.”
The cast of Imagine You and Me ???? pic.twitter.com/PJqJAJLcqK
— Maine Mendoza (@mainedcm) July 1, 2016
Sa eklusibong panayam ng Unang Hirit, ikinatuwa ng phenomenal love team ang pag-imbita sa mga Kapuso na manuod ng kanilang pinakakahihintay na pelikula sa susunod na linggo.
“Hello, sa mga ka-Unang Hirit at sa AlDub Nation! July 12 po, inimbitahan po namin kayo to watch the premiere night of 'Imagine You and Me',” saad ng aktor.
Dagdag ni Maine, “On July 13, finally showing po ng pelikula natin, ang tagal-tagal po natin hinintay ‘to kaya huwag na huwag niyo pong papalampasin.”
MORE ON ALDUB:
Ano ang sagot ng AlDub sa tanong na "Anong month naging kayo?"
Imagine You and Me nadagdagan ang intgernational screening