
Napatawad na kaya niya ang mister na si Jojo Oconer?
Sa unang pagkakataon ay nagbigay na ng pahayag si Ciara Sotto tungkol sa paghihiwalay nila ng kanyang asawang si Jojo Oconer.
Kuwento ng aktres sa panayam ng 24 Oras ay anim na buwan na raw silang hiwalay ng kanyang mister. Naka-move on na rin daw siya at civil ang pakikitungo nilang dawala. Napatawad man niya si Jojo, hindi raw ibig sabihin nito na napatawad na niya ang lahat.
“Tapos na ‘yung galit na galit ka na stage. I think it’s very important lang kasi na di kami magkaaway for my son’s sake,” ani Ciara.
Nanunuluyan pa rin si Ciara at ang kanyang anak sa magulang niyang sina Tito Sotto at Helen Gamboa.
MORE ON CIARA SOTTO:
READ: Ciara Sotto, walang puwang ang kalungkutan sa buhay ngayon
IN PHOTOS: The beautiful women of the Sotto clan
IN PHOTOS: 11 celebrities who were allegedly cheated on by their partners: Where are they now?