Marian Rivera, Alden Richards, Ruru Madrid, atbp., wagi sa 53rd Box Office Entertainment Awards

Hinirang bilang Film Actress of the Year si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa 53rd Box Office Entertainment Awards 2025 ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation, Inc. (GMMSFI).
Ito ay para sa kanyang mahusay na pagganap bilang Teacher Emmy sa award-winning film na Balota.
Naging makabuluhan din ang acceptance speech ni Marian kung saan pinasalamatan niya ang mga guro at mga estudyanteng naging inspirasyon ng pelikula.
"Salamat sa inyong pakikiisa sa pelikulang Balota. Kayo talaga 'yung isa sa mga inspirasyon namin dito. At bago ang lahat din, ito sigurong pelikulang ito, sana magbigay linaw sa atin 'yung totoong mensahe nito--na 'yung sakit ng korapsiyon ay ito 'yung sumasakal sa ating bayan, na sana ay ito 'yung sakit na hindi natin dapat tinatanggap dahil hindi ito normal," lahad ni Marian.
Umaasa daw ang aktres na dala pa rin ng mga nanood at dalhin din ng mga manonood pa ang mensahe ng pelikula.
"Sana naipaliwanag namin at naparating namin at kahit papano, may mga isip na nabuksan, mga pusong naantig. Dahil kung 'yun ang dahilan sa paggawa ko ng pelikulang ito, lahat ng pagod at sakripisyo para sa akin, sulit na sulit. Salamat, Lord, sa pagkakaton para magampanan ko si Teacher Emmy. Muli po, marami pang salamat sa inyo at mabuhay ang pelikulang Pilipino," pagtatapos ni Marian sa kanyang speech.
Panoorin ang buong acceptance speech ni Marian Rivera bilang Film Actress of the Year sa 53rd Box Office Entertainment Awards:
Samantala, silipin ang iba pang Kapuso winners sa 53rd Box Office Entertainment Awards ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation:













