
Ano kaya ang sinabi nila kay Jimuel?
Proud parents sina Pambansang Kamao Manny Pacquiao at ang kanyang asawa na si Jinky sa pagsalubong sa kanilang anak na si Jimuel bilang endorser at model ng Blue Water Day Spa.
Ito ang kauna-unahang endorsement ng kanilang pangalawang anak kaya very supportive ang mag-asawa. Saad ni Jimuel sa report ng Unang Hirit, “I feel blessed I get chosen to endorse the products and [the] spa. I feel blessed and thankful.”
Bilang baguhan, napaisip daw siya sa kanyang papasukin kaya kinonsulta muna niya ang kanyang mga magulang, “My parents just told me to explore [and] try new things.”
Prayoridad pa rin daw ng nakakabatang Pacquiao ang kanyang pag-aaral ngunit kung may dumating daw na mga oportunidad ay masaya naman siyang gawin ang mga ito.
Napakaimportante raw para kay Jimuel ang payo ng kanyang mga magulang bilang siya ay mahiyain. Paglalantad niya, “They always tell me to just be myself and do what has to be done.”
Napabilang na rin siya sa isang Bench campaign kasama ang kanyang kapatid na si Michael.
MORE ON JIMUEL PACQUIAO:
LOOK: #BeforeAndAfter: The transformation of Jimuel Pacquiao