
Abangan si Song Hye-kyo bilang Maxine Kang sa 'Descendants of the Sun.'
Alam mo na ba ang feeling na kahit parang mali na ang nararamdaman mo, tinuloy mo pa rin? 'Yung pilit na nga kayong pinaglalaruan ng tadhana: maghihiwalay, magkikita muli, magkakalayo ulit—ngunit hindi n'yo pa rin magawang mawala sa isip ng isa't isa.
Pero paano ka nga ba makakawala kung ganito siya tumitig sa 'yo?

Kilalanin si Doctora Maxine Kang, ang maganda pero agresibo at hindi magpapatalong surgeon ng Haesung Hospital na nahulog sa unpredictable na leader ng Alpha Team, si Captain Lucas Yoo. Maabilidad at halos kasing tapang ni Lucas. Kaya rin makipagsabayan ni Maxine sa mga banat ni Kapitan.

Ngunit paano kung maging hugot na ang mga banat ni Maxine? Magagamot pa ba ang nasasaktan na niyang damdamin?

Abangan si Song Hye-kyo bilang Maxine Kang sa Descendants of the Sun, ngayong July 25 na!