
Sina Buboy at Angillyn ay parehong nasa wastong gulang na edad na 18 years old. Plano nilang magpakasal sa susunod na taon.
Ekslusibong ikinuwento ni Buboy Villar sa 24 Oras kung paano siya nag-propose sa kanyang American girlfriend na si Angillyn Gorens.
Ayon sa ulat, unang nagkakilala sa auditions para sa The Half Sisters sina Buboy at Angillyn. November 21, 2015 nang maging magkasintahan ang dalawa. Pagbalik daw ng dalaga mula sa Amerika noong June 15 ay inalok na siya agad na magpakasal ng aktor.
LOOK: Buboy Villar at American girlfriend are engaged
“Dapat sa airport na agad ako magpo-propose. Eh sinabi ko, ‘Hindi ko feel, hindi ko feel.’ Hindi ko pa feel masyado,” bahagi ni Buboy.
Suportado at tinulungan siya ng kanyang pamilya at mga kaibigan sa paghahanda ng mga karatula, lobo at mga bulaklak.
“Huli kaming pumasok ng bahay hanggang sa pagpasok namin may isa-isang flowers na nabigay sa kanya. Ayun. Tapos ang plano ko talaga, ang sabi ko, ‘Ang goal natin mapaiyak ang babae na ‘yan,’” patuloy niya.
“I was surprised. I was really shocked,” sambit naman ni Angillyn.
Sina Buboy at Angillyn ay parehong nasa wastong gulang na edad na 18 years old. Plano nilang magpakasal sa susunod na taon.
MORE ON BUBOY VILLAR:
IN PHOTOS: Buboy Villar and American girlfriend Angillyn Gorens