What's Hot

Descendants of the Sun: Si Song Joong-ki bilang ang ubod ng guwapong si Captain Lucas Yoo

By GIA ALLANA SORIANO
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 23, 2020 12:30 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Two 'New Year babies' born in Manila
Separate fires hit over 10 structures in Bacolod City
Heart Evangelista teases new project on social media

Article Inside Page


Showbiz News



Paano kung ganito ka-guwapo ‘yung nahulog sa ’yo? Aangal ka pa ba?


Na-love at first sight ka na ba? 'Yung tipong unang kita mo pa lang sa kanya ang lakas na ng tama mo? Para bang may magnetic pull, na kahit iwasan mo, sa kanya ka pa rin na-a-attract in the end?

Eh, paano kung ganito ka-guwapo ‘yung nahulog sa ’yo? Aangal ka pa ba?

Kilalanin si Lucas Yoo, ang team leader ng Alpha Team, isang elite special forces unit sa South Korean military na tinamaan sa sobrang kagandahan ni Doctora Maxine Kang (Song Hye-kyo). Matipuno at napakaguwapo, ngunit medyo pilyo, si Lucas ay kilala rin sa kanyang katapangan at sa galing niya sa pakikipaglaban.

Pati ang love of his life, ipaglalaban niya. Dahil na rin sa kaniyang paniniwala na kailangan niyang protektahan "ang mga bata, matatanda, at ang mga magagandang babae." 

READ: Kilalanin ang napakagandang si Doctora Maxine Kang

Abangan si Song Joong-ki bilang Lucas Yoo sa Descendants of the Sun, ngayong July 25 na!