What's on TV

Rochelle Pangilinan on her role as Agane in 'Encantadia': "Mas marami na siyang kasamaang naiisip ngayon"

By ANN CHARMAINE AQUINO
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 16, 2020 2:38 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Eman Pacquiao, naghahanda sa pagsasanay para sa kaniyang laban sa Pebrero 2026
#WilmaPH moves north of E. Samar, over waters of Dolores
Netflix is buying Warner Bros.

Article Inside Page


Showbiz News



Malaki rin ang pasasalamat ni Rochelle sa mga taong naka-appreciate sa kanyang karakter kahit noong trailer pa lamang ang inilalabas ng Encantadia. 

Sa pagsisimula ng Encantadia, isa sa may kinapapanabikan na karakter ay si Agane mula sa kaharian ng Hathoria. Kaya naman ibinahagi ni Rochelle Pangilinan ang kanyang mga pinagdaanan sa kanyang gampanan ang kanyang karakter.

Ayon kay Rochelle ibang-iba ang kanyang gagawin bilang Agane, "Ang bagong Agane, mas fierce na siya ngayon. Mas iba na ang tinatahak niyang landas at isa pa, mas marami na siyang kasamaang naiisip ngayon so hintayin natin 'yun."

Kuwento ng Kapuso actress, pinaghandaan niyang mabuti ang kanyang karakter sa iba't-ibang aspeto. 

Aniya, "Physically, lahat, at kung paano si Agane at kung saan pupunta si Agane. Bago ko tanggapin ito makulit ako sa lahat. Tinatanong ko kung ano ang background ni Agane, so nag-imbento ako ng background ni Agane sana tumumpak sa ginagawa ko. Inalam ko talaga kung sino si Agane."

Dagdag pa ni Rochelle, hindi basta basta ang kanilang diet dahil sa stunts na kanilang ginagawa para sa Encantadia.

WATCH: Ang mga workout ni 'Encantadia' star Rochelle Pangilinan

"Physically talagang hindi ka pupuwede dito na diet ka lang talaga, dahil 'yung fight scenes nga namin matagal naming ginagawa. Hindi ka pupuwedeng gulay gulay lang 'yung kinakain mo. Dapat balanse lahat. May mga lines pa, and lagi kaming galit. So kailangan namin ng energy. Kakaibang cardio 'yung ginagawa namin." 

Malaki rin ang pasasalamat ni Rochelle sa mga taong naka-appreciate sa kanyang karakter kahit noong trailer pa lamang ang inilalabas ng Encantadia. 

WATCH: Encantadia's official full trailer

"'Di ko talaga ine-expect na ganun siya i-impact doon sa trailer. So maraming maraming salamat. Sobrang sa kaibuturan ng aking puso, maraming maraming salamat talaga kasi hindi ko talaga ine-expect lahat ng nangyayari."

MORE ON ROCHELLE PANGILINAN AND 'ENCANTADIA':

Rochelle Pangilinan, aminadong nakatulong ang kaniyang past experiences sa pagganap kay Agane sa 'Encantadia'

Pinoy celebrities react to 'Encantadia's' pilot episode

Netizens, napabilib sa pilot episode ng 'Encantadia'