
Do you agree ladies?
Hindi raw inexpect ni Jerald na magiging parte siya ng Most Beautiful Stars list ng YES! Magazine ngayong taon. Ika niya, “Siyempre, ako na magsasalita sa sarili ko, honored ako. Kasi hindi naman expected na they’re looking not just for the looks, eh. Para nandito ako, wow ah, sure ba kayo?”
Kini-credit naman ng aktor ang pagkasama niya rito sa kanyang role sa Rak of Aegis. Aniya, “Nakakapogi raw 'yung ginawa ko sa Rak of Aegis. So ayun nga ‘yung nangyari.”
Pero ano kaya ang naging edge ni Jerald para mapasama siya sa prestigious list na ito? Ika niya, ang “most beautiful part of his body” raw ay ang kanyang “brain.” Paliwanag niya, “'Yung wits. Lagi ko ngang sinasabi, funny is the new pogi.”
MORE ON JERALD NAPOLES:
Ano ang sinasagot ni Jerald Napoles 'pag sinasabihan siyang "Ang gwapo mo pala?"