What's Hot

Dingdong Dantes wishes for a second baby on his birthday

By AL KENDRICK NOGUERA
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated April 14, 2020 7:24 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Kris Aquino says holidays have been 'heartbreaking': 'Kakayanin ko pa ba?'
Dagan sa Panahon Sayran nato Karong Adlawa December 29, 2025 | Balitang Bisdak
The most controversial stories of 2025

Article Inside Page


Showbiz News



"Parating nasa wish list naman 'yan. Pero kung ano ang ibigay ni God [okay lang]." - Dingdong Dantes


 

A photo posted by Dingdong Dantes (@dongdantes) on

 

Ipagdiriwang ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes ang kanyang 36th birthday bukas, August 2.

Ayon kay Dingdong, isang simpleng celebration lamang ang nais niya. "Kakain lang kami kung saan man. Hinayaan ko na lang 'yung asawa (Marian Rivera-Dantes) ko [na magplano]," pahayag niya.

Ito ang kauna-unahang kaarawan ni Dingdong na makakasama niya ang panganay nila ni Marian na si Baby Zia. "Ang mahalaga lang para sa 'kin [ay] tatlo kaming magsasama-sama. Okay na 'yon. Siguro sa lunch, kaming tatlo. Tapos sa gabi [ay] kasama ko na 'yung pamilya ko. Ayos na 'yon. Hindi gaya noong dati na may mga celebration pa. Kontento na ako sa simpleng way of celebrating," ani Dingdong.

Nang tanungin kung ano'ng birthday wish niya, hindi sarili ang inisip ni Dingdong kung 'di ang kanyang anak. Sagot niya, "Well siguro lumaki nang maayos, nang healthy at maging isang mabuting tao 'yung aming anak."

Bukod pa rito, inamin ni Dingdong na ninanais din niyang masundan si Baby Zia. "Parating nasa wish list naman 'yan. Pero kung ano ang ibigay ni God [okay lang]," pagtatapos ng Kapuso actor.

MORE ON DONGYAN:

#RelationshipGoals: The DongYan love story

Marian Rivera named most beautiful Filipino celebrity by American media company

LOOK: Marian Rivera, pinanggigigilan si Dingdong Dantes sa set ng 'Encantadia'