
Dinagsa ng Pinoy fans pati na ng ilang Kapuso celebrities ang “Revival Tour” concert ni Hollywood singer-actress Selena Gomez kahapon (July 31) sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Dinagsa ng Pinoy fans pati ng ilang Kapuso celebrities ang “Revival Tour” concert ni Hollywood singer-actress Selena Gomez kahapon (July 31) sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Personal na nakilala ni Kapuso star Louise delos Reyes ang kanyang childhood idol, “Na-meet ko si Selena. Sabi niya sa akin, ang cute ko daw, ang cute ng porma ko, and I smell good.”
Hindi mapakali ang Magkaibang Mundo actress nang nakaharap niya ang American singer, “She was like, ‘Hi!’ tapos sabi ko, ‘Hi!’ We hugged for a few minutes and then picture na.”
Mapapanood sa Instagram ang mga videos na kuha ni Kapuso actress Lovi Poe kung saan napasigaw siya ng, “I love you, Selena!”
“Thank you for coming to Manila,” saad niya habang kasama ang kanyang BFF na si Heart Evangelista na nagsabi rin ng, “Thank you for coming to the Philippines.”
Sa lahat ng bansang napuntahan ni Selena, pinakamalakas raw na hiyawan ang kanyang narinig mula sa kanyang Pinoy fans kaya nangako siyang babalik ng Pilipinas.
Tumili ang aktres na si LJ Reyes nang ma-interview siya ng Unang Hirit, “Selena, I’m hoping that [you enjoyed] your short time here in the Philippines. Please do come back again.”
Naispatan rin ang dating Hanggang Makita Kang Muli star na si Angelika dela Cruz na kahit mommy na ay nag-enjoy pa rin sa panoond sa 24-year-old singer. Pinuri niya pa ito, “Love your music and you’re beautiful. Thank you for coming.”
Solo naman ang aktres na si Kim Rodriguez pero masaya siya sa kanyang napanuod, “I’m so happy for her na nakapunta siya sa Philippines and sana may second na concert uli siya.”
Last but not the least, ipinapaabot ni Asia’s Romantic Balladeer na si Christian Bautista ang kanyang mensahe, “Congratulations, love you and we hope to see you again.”
Video from GMA News
MORE ON SELENA GOMEZ:
WATCH: AlDub superstar Maine Mendoza relishes the experience of seeing Selena Gomez on stage