
Sa post ng dalaga sa kanyang Twitter account, nais lang nito manood ng DOTS buong araw.
Buong bansa na ang nahuhumaling sa pinakabagong Koreanovela series ng Kapuso Network na Descendants of the Sun’(DOTS) na gabi-gabing napapanood sa GMA Telebabad.
At kahit ang kapatid ng AlDub superstar na si Maine Mendoza na si Coleen Mendoza, tinamaan na rin ng Big Boss fever.
Ayon sa Tweet ng magandang dalaga ngayong Miyerkules ng hapon, August 3, mukhang certified DOTS fan na rin si Coleen.
Gusto ko lang manood ng DOTS all day!!!
— Coleen Mendoza (@nicoleendyann) August 3, 2016
Gumaganap bilang si Lucas Yoo ang Korean actor na si Song Joong-ki at ang dating Full House star na si Song Hye-kyo ang nagbibigay buhay sa karakter ni Dr. Maxine Kang.
MORE ON 'DESCENDANTS OF THE SUN':
Filipino male celebs na look-alikes ng Korean stars
IN PHOTOS: Kilalanin ang cast ng 'Descendants of the Sun'