What's Hot

Maxine Medina, nag-react tungkol sa pagkumpara sa kanya kay reigning Miss Universe Pia Wurtzbach

By CHERRY SUN
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 9, 2020 12:57 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Cabral's last hours before fatal fall captured by hotel CCTV footage
2 hurt as truck falls into ravine in Zamboanga City
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News



Na-p-pressure din ba siyang maipanalo muli ang korona?
 


Ngayong sa Pilipinas na gaganapin ang susunod ng Miss Universe pageant, nadagdagan ba ang pressure na haharapin ni Miss Universe Philippines 2016 Maxine Medina lalo na at susundan niya ang makasaysayang panalo ni reigning beauty queen Pia Wurtzbach?

 

A photo posted by Maria Mika Maxine Medina (@maxine_medina) on

 

Ayon sa kanyang panayam sa 24 Oras, nakakaramdam man ng pressure si Maxine ay inaasahan naman niya ang suporta ng mga kapwa Pilipino para sa back-to-back win ng ating bansa sa naturang pageant.

“I know that we can do it, and we can keep the crown,” sambit niya.

Hindi na rin daw niya pinagtutuunan ng pansin ang mga bashers na kadalasan ay kinukumpara siya kay Pia. Aniya, magkaibigan sila ng reigning Miss Universe at palagi raw siyang binibigyan ng advice nito. Ginagawa rin daw niyang motivation ang mga nakukuhang komento para lalo pang pagbutihin at ihanda ang sarili.

“Pia is different, Maxine is different so I think we have different paths na pwedeng mailabas sa Philippines,” paliwanag niya.

 

MORE ON MAXINE MEDINA:

READ: Bb. Pilipinas Universe Maxine Medina, proud of BF Marx Topacio Asia Model Festival win