Gretchen Barretto, humarap sa preliminary investigation ng DOJ para sa kaso ng nawawalang mga sabungero

Humarap na ang aktres na si Gretchen Barretto sa preliminary investigation ng Department of Justice (DOJ) para sa kaso ng mga nawawalang sabungero.
Isa ang aktres sa mga itinuturong suspects, kasama ang negosyanteng si Atong Ang at 60 na iba pa na dahilan 'di umano ng pagkawala ng 34 sabungero.
Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes, September 18, ibinahagi ni King of Talk Boy Abunda na nagsumite si Gretchen sa DOJ ng counter affidavit kung saan iginiit niyang wala siyang kinalaman sa pagkawala ng naturang mga sabungero.
Tumanggi man si Gretchen na magbigay ng kaniyang pahayag, nagsalita naman ang abogado niyang si Atty. Alma Mallonga at tinawag na malisyoso at kasinungalingan ang alegasyon laban sa aktres.
Sa pahayag ni Atty. Mallonga, sinabi niya, “The malicious insinuation that Ms. Barretto somehow consented and approved the killings is unsubstantiated. The allegation is completely false. There is no proof of it, and the lone witness - whose credibility and motivations are suspect-provides none.”
Pagpapatuloy pa nito, “Mere allegations are not evidence. Speculation is not evidence. Other than that, the allegation that Ms. Barretto voted, with even a showing of hands, to approve the killings is so absurd, it cannot be believed. There is thus neither factual nor legal basis to continue with the cases against her. The complaints must be dismissed.”
Sabi pa ni Atty. Mallonga na patuloy na susunod sa proseso si Gretchen sa paniniwala na sa pagsunod niya rito ay makakakuha sila ng tapat na resolusyon para sa lahat.
SAMANTALA, TINGNAN ANG ILAN SA MGA YOUTHFUL LOOKS NI GRETCHEN SA GALLERY NA ITO:




















