What's on TV

WATCH: Malalaman na ni Sang'gre Alena ang pagkamatay ni Ybarro sa 'Encantadia'

By AL KENDRICK NOGUERA
Published August 18, 2016 12:05 PM PHT
Updated February 27, 2020 10:13 PM PHT

Around GMA

Around GMA

After bumping into motorcycle in QC, fleeing van mobbed by bystanders
Usa ka SUV natagak paingon sa Mangrove Area sa Cordova | Balitang Bisdak
Charlotte Austin celebrates birthday with fans and loved ones

Article Inside Page


Showbiz News



Ngayong gabi, ipapaalam na ni Amihan kay Alena ang pagkamatay ng minamahal niyang si Ybarro. Paano kaya ito tatanggapin ng mga Sang'gre?

Sa episode ng Encantadia kagabi, nagtagumpay si Asval (Neil Ryan Sese) sa pagpaslang kay Ybarro (Ruru Madrid). Ipinaalam ni Hitano (Pancho Magno) kay Reyna Amihan (Kylie Padilla) ang balitang ito.

Matatandaang mayroong lihim na pagtingin si Hitano kay Alena (Gabbi Garcia) kaya't kasabwat siya sa pagkitil ng buhay ni Ybarro. Bukod pa rito, si Ybarro rin ang tumatayong ama ng anak ni Amihan na si Lira.

Ngayong gabi, ipapaalam na ni Amihan kay Alena ang pagkamatay ng minamahal niyang si Ybarro. Paano kaya ito tatanggapin ng mga Sang'gre? Panoorin ang teaser:


Encantadia: Ang hinagpis ni Alena by encantadia2016

Tumutok lang sa Encantadia gabi-gabi pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.

MORE ON ENCANTADIA:


Encantadia: Studio Tour by encantadia2016

Alden Richards, papasok sa 'Encantadia' bilang isang 'Mulawin'

WATCH: 'Encantadia Sessions' Correspondent Nar Cabico raps about 'Encantadia'