
Panoorin ang thank you videos nina Rafael at Rhian sa mga kababayan natin sa Gen San.
Dumalo ang Sinungaling Mong Puso stars na sina Rhian Ramos, Rafael Rosell at Kiko Estrada sa Tuna Festival ng General Santos City nitong nakaraang weekend.
Bilang pasasalamat sa mainit na pagtanggap sa kanila ng mga fans doon, nagbahagi si Rafael ng isang video ng kanilang naging karasanan habang nandito.
Nagbigay rin ng kanyang pasasalamat si Rhian sa kanyang Instagram account para sa mga nanood ng kanilang performance.
Samantala, sa takbo ng GMA Afternoon Prime series, natanto na ni Roman si Clara at babalik na ito sa poder ng mga Aguirre.
Abangan ang kahihinatnan niya sa Sinungaling Mong Puso, Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng Magkaibang Mundo sa GMA Afternoon Prime!
MORE ON 'SINUNGALING MONG PUSO':
EXCLUSIVE: Rhian Ramos, ibinahagi ang sikreto ng chemistry ng 'Sinungaling Mong Puso' cast
Sinungaling Mong Puso: "Wala nang tayo"- Clara