What's Hot

Ruru Madrid, na-bully noon dahil sobrang payat

By MARY LOUISE LIGUNAS
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 18, 2020 2:49 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Gloria Romero, Nora Aunor, Emman Atienza, more celebrities who left us this 2025
Matibay na tulay, ipinatatayo sa Brgy. Puray ng GMA Kapuso Foundation | 24 Oras
18-year-old student arrested in Dagupan drug bust

Article Inside Page


Showbiz News



Paano hinandle ni Ruru ang bashing na kanyang natanggap?


Maraming nagbitiw ng masasakit na salita kay Ruru Madrid noon dahil sa sobrang kapayatan niya. Nang siya’y magsimula sa showbiz, 5' 9” ang kanyang height at 118 pounds ang timbang.
 
“Halos kasing bigat ko lang 'yung mga babae dun sa Protégé. Sobrang nipis (ko), as in sobrang nipis. Ngayon, 160 pounds ako,” kinuwento niya sa Mars Sharing Group.
 
Niloloko pa rin siya ng iba ngunit hindi niya na ito minamasama.
 
“Sobrang laki po ng ginain ko, kaya nga inaasar ako. ‘Wow, nasuportahan ka na ng karne ha? Dati, padampot dampot ka lang ng talbos d'yan… Ngayon may pa-karne ka na!’ Siyempre, ako naman, 'yung mga ganung biro, okay lang. Tanggap ko [na],” dagdag niya.
 
Marami rin ang hindi naniwalang kakayanin niya ang role ng Ybarro sa Encantadia.
 
“Nung inannounce na ako 'yung magiging Ybarro, which is role dati ni Kuya [Dingdong Dantes] na Primetime King ngayon, nakita ko nag-trending agad ['yung Ybarro]… Pagtingin ko, siguro 70% dun, puro pangba-bash. ‘Bakit siya? Dingdong Dantes 'yung dating gumanap d'yan. Bakit ngayon si Tigidong na?’ ‘Kapag nakita kita, babatukan kita.’ ‘Hindi sa ’yo bagay 'yang role na yan.’ Mga ganun,” sabi ni Ruru.
 
Ginamit niya ito bilang constructive criticism at nagpursige upang ipabuti ang sarili.
 
“Siyempre masakit nung una pero ginawa ko, siguro mga two days lang ako nagpaka-depress nun… [Sabi ko] dapat i-take ko siya in a good way, so ginawa ko talaga. Nag-work out ako ng todo, every day, gym, every day, Muay Thai,” aniya.
 
Naging positibo naman ang resulta nito at napansin ng mga manonood ang pag-transform ni Ruru. 

 

|| BACK AT IT AGAIN || Thank you @ghel_lerpido #CentroFitness

A photo posted by Ruru Madrid (@rurumadrid8) on


“Nung pinalabas na ‘ko sa Encantadia, nag-trending po ulit 'yung Ybarro. Kinabahan ako kasi [baka] pang-ba-bash na naman ‘to. Pero pag-check ko po, wala na pong pang-ba-bash [halos],” kanyang pagtatapos.
 
MORE ON RURU MADRID:
 
LOOK: Gabbi Garcia and Ruru Madrid named 'partners in primetime' by fashion magazine
 
LOOK: Ruru Madrid in full regalia as Prinsipe Ybrahim of 'Encantadia'
 
Ruru Madrid, nagpursigi lalo sa role sa 'Encantadia' dahil sa kanyang bashers