What's on TV

'Kabit-kabit,' susunod sa 'Karelasyon'

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 21, 2020 1:03 PM PHT

Around GMA

Around GMA

After bumping into motorcycle in QC, fleeing van mobbed by bystanders
Usa ka SUV natagak paingon sa Mangrove Area sa Cordova | Balitang Bisdak
Charlotte Austin celebrates birthday with fans and loved ones

Article Inside Page


Showbiz News



Muling iibig sa bingit ng paghihiwalay

 

 

Pagkatapos ng ilang taong pagta-trabaho sa ibang bansa, muling bibisita si Rannel sa kanyang pamilya dito sa Pilipinas. Ngunit imbes na saya at galak ang kanyang nararamdaman, ang kanyang pag-uwi ay nababalutan ng lungkot at pag-aalinlangan. Ito ay dahil sa natatakda niyang pag-amin sa kanyang misis na si Joni na mayroon na siyang ibang kinakasama, si Ellen.

 

Sa tagal nga naman ni Rannel na nawalay sa kanyang anak at asawa, tila nakalimutan na niya ang masasayang alaala at pagmamahal na pinagsaluhan nila bilang isang pamilya. Noong siya ay nangungulila, si Ellen ang pumuno ng atensyon at pagmamahal na kanyang hinahanap-hanap noong siya ay nasa ibang bansa.

Ngunit hindi lang si Rannel ang may pag-aalinlangan. Ang kanyang misis din na si Joni ay may sikretong nais sabihin. Sa tagal nilang nawalay ni Rannel, siya rin ay nangulila at naghanap ng kalinga sa iba at ito ay natagpuan niya sa kanyang ka-trabahong si Paolo.

Tuluyan na bang maghihiwalay ang dalawa o maibabalik pa nila ang dati nilang mainit na pagmamahalan?

Paano na lang ang kanilang anak na galak na galak na makita na muling magkasama ang kanyang mga magulang?

Alam kaya ng mag-asawa na ang kanilang mga kalaguyo na sina Ellen at Paolo ay may nakaraan na pinipilit din nilang kalimutan?

Ito ang maintriga at napapanahong kuwento na pagbibidahan nina Valerie Concepcion, Joross Gamboa, Marco Alcaraz at Ina Feleo mula sa panulat ni Jon Verzosa at direksyon ni Paul Sta. Ana.

Mapapanood ang Karelasyon kasama si Ms. Carla Abellana tuwing Sabado, pagkatapos ng #LIKE.