
Sino kaya ang makakatrabaho nina Bianca at Miguel?
Unang beses na magkakaroon ng kahati si Kapuso star Miguel Tanfelix sa kanyang leading lady na si Bianca Umali mula noong ipinagtambal sila sa Niño at ito ay nauwi sa kanilang pinagbidahang Primetime soap na Once Upon a Kiss.
Isang nakakakilig na kuwento ang mapapanood natin ngayong Linggo (Setyembre 25) kung saan makakasama ng love team ang hunk actor na si Jak Roberto sa “Dream Date” episode ng Usapang Real Love.
READ: #MagpaFANsin na kina Bianca Umali at Miguel Tanfelix sa 'Usapang Real Love!'
Walang pinagbago ang samahan ng BiGuel mula noon hanggang ngayon, ayon sa teen actor. “Katulad po ng dati, talagang nararamdaman ko po ‘yung connection ni Bianca sa eksena [at] kay Jak, okay naman po siya.”
Kwento naman ng aktres patungkol sa kanyang other leading man, “Ngayon lang po kasi namin nakatrabaho si Jak pero so far, so good naman. Masaya po ang set namin.”
Puring-puri si Jak sa tambalan ng dalawa, “Napakalaking bagay po sa akin na maging third wheel po ng BiGuel kasi alam naman po natin na [ang love team nila ay] sobrang daming fans. At the same time, sobrang professional nila katrabaho. Isang karangalan na maging third wheel po ng BiGuel.”
READ: #MagpaFANsin: Jak Roberto, naghahanap ng ka-dinner date!
Ipinasilip ng batikang direktor na si Real Florido ang love team sa mga nangyayari sa totoong buhay kaya sila naglagay ng love triangle.
Ani, “Actually, challenging po siya kasi never pa naman [ng] BiGuel nagawa [ito] so parang ini-introduce mo ‘yung established na love team to open up to something that’s happening in reality.”
Nakuha raw ng direktor ang gusto niyang ipakita sa mga manunuod sa pamamagitan ng pagganap ng Kapuso stars, “Ang cute naman ng lumabas [kasi] bagay na bagay dun sa takbo kung paano ‘yung love stories ng kabataan ngayon. Ang galing naman nilang lahat.”
MORE ON USAPANG REAL LOVE:
GMA to launch first-ever interactive rom-com series, Usapang Real Love