
Nakakaantig na PPAP? Panoorin ang version nina Maine at Wally.
Sikat na sikat ang Japanese song na "Pen Pineapple Apple Pen" (PPAP) dahil sa catchy na tunog nito, at nakakatuwang lyrics at sayaw. Pero tila may mas igaganda pa pala ang kanta dahil sa ibang version na ginawa nina Maine Mendoza at Wally Bayola.
Sa video na ibinahagi ng account na @aldub_eb sa Instagram, mapapanood ang makapagbagbag-damdaming performance ng dalawang dabarkads ng naturang viral song. Todo ang emote ni Wally Bayola habang tumutugtog sa organ si Maine Mendoza.
Panoorin at sabay na maiyak at tumawa sa kanilang performance ng PPAP:
MORE ON DABARKADS:
LOOK: Enchanting cover of AlDub for a fashion magazine, out this October
WATCH: Maine Mendoza at JoWaPao, sinayaw ang 'Haha Shake Shake'