
Nakahiwalay sa ibang suspek, merong sariling selda, sariling kutson para higaan at pati na electric fan si Mark Anthony habang nakakulong ngayon sa Pampanga. Gayunpaman, hindi raw ibig sabihin nito ay espesyal ang pagtrato nila sa nahuling aktor.
Sa ulat ng 24 Oras, itinanggi ng Angeles City Police na binibigyan nila ng special treatment ang aktor at drug suspect na si Mark Anthony Fernandez.
Nakahiwalay sa ibang suspek, merong sariling selda, sariling kutson para higaan at pati na electric fan si Mark Anthony habang nakakulong ngayon sa Pampanga. Gayunpaman, hindi raw ibig sabihin nito ay espesyal ang pagtrato nila sa nahuling aktor.
Ani P/Chief Insp. Francisco Guevarra, Jr., “Kung special treatment, siguro hindi na namin ikukulong doon sa selda. Dito na lang siya. Pwede ko naman siya bantayan dito. Para sa akin po, ‘yun ang special treatment.”
Pansamantala lamang ang pananatili sa presinto ni Mark Anthony dahil inaabangan na ang commitment order ng korte matapos isampa ang transportation of illegal drugs, possession of illegal drugs and paraphernalia at use of dangerous drugs laban sa kanya. Sa siksikang city jail ng Angeles daw inaasahang ililipat ang aktor.
Pahayag ng kanyang abogadong si Atty. Sylvia Flores, “We can prepare the defenses ng kliyente ko after na makita namin ‘yung information.”
Ikalawang gabi na ni Mark Anthony sa Station 6 sa Angeles, Pampanga. Muling dumalaw ang kanyang live-in partner at abogado, ngunit maliban sa dalawa ay walang ibang bumibisita sa kanya. Hindi pa rin kasi nagpapakita ang kanyang ina na si Alma Moreno o sino mang kamag-anak niya. Hindi na rin pinayagang makausap ng media ang aktor.
Samantala, kahit nahaharap sa kaso ay tila nakaka-starstruck pa rin si Mark Anthony. Sa katunayan ay dalawang policewomen ang nagpakuha ng litrato sa kanya.
Paliwanag nila, isang barangay kagawad ang nakalusot sa kuwarto kung saan isinailalim sa profiling si Mark Anthony at ito ang nag-upload ng mga litrato.
Actually, nagpa-picture po talaga sila. Parang souvenir, personal nila ‘yun pero hindi po sila ‘yung nag-upload nung picture na ‘yun,” wika ni P/Chief Insp. Francisco Guevarra, Jr.
Hindi naman ikinatuwa ni PNP Chief P/Dir. Gen. Ronald “Bato” dela Rosa ang nangyari. Posible rin daw na maharap sa kasong administratibo na conduct unbecoming of a police officer ang dalawang babaeng pulis.
Paalala ni PNP Chief dela Rosa, “Stay focused on your job. Your job is to enforce the law, to apprehend criminals, and not to have selfies with these law offenders.”
MORE ON MARK ANTHONY FERNANDEZ:
IN PHOTOS: Mga celebs na nasangkot sa iligal na droga
WATCH: Mark Anthony Fernandez, mabubulok na raw sa kulungan?