What's Hot

WATCH: Jaclyn Jose, nahirapang mag-Bisaya sa bagong indie film

By MARAH RUIZ
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated August 4, 2020 10:30 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma slightly accelerates, 27 areas under Signal No. 1
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News



Tampok ang aktres na si Jaclyn Jose sa indie film na Patay Na Si Hesus na kasalukuyang mapapanood sa QCinema International Film Festival.


Tampok ang aktres na si Jaclyn Jose sa indie film na Patay Na Si Hesus na kasalukuyang mapapanood sa QCinema International Film Festival.

Aminado ang beteranang aktres na nahirapan siya sa pagshu-shoot ng pelikula, lalo na sa mga eksenang kailangan niyang magsalita ng Bisaya. 

"Feeling ko nga, miscast ako kasi lahat sila Cebuano. Pero pinilit! Merong language coach, pero mahirap," kuwento ni Jaclyn kay Lhar Santiago para sa 24 Oras

"[Mahirap] 'yung magsalita ng Bisaya at saka 'yung driving ng manual. Tapos we have to close the windows [of the van] kasi 'yung sound papasok. So pawis lahat. Mainit pero okay lang. Hindi siya aircon[ditioned]. Maririnig eh, so walang aircon at sarado lahat ng bintana. Tapos ang iniisip mo pa, Bisaya," dagdag niya.

Sa pelikula, gumaganap si Jaclyn bilang isang ina na pupunta sa huling gabi ng lamay ng kanyang ex-husband.

Hindi naman pinalampas ng aktres na magpasalamat sa mataas na ratings ng kayang primetime series na Alyas Robin Hood. 

"Sa Alyas Robin Hood siyempre nagpapasalamat tayo sa pagtangkilik ng viewers na maganda ang rating," aniya.

Panoorin ang buong ulat ni Lhar Santiago para sa 24 Oras dito:

Video courtesy of GMA News

MORE ON JACLYN JOSE:

Jaclyn Jose defends granddaughter Ellie from a basher who called her "a product of a scam"

READ: Jaclyn Jose's emotional plea to Andi Eigenmann's bashers