
Nakiisa ang GMA Network sa laban ng gobyerno sa mga ipinagbabawal na gamot.
Aktibo ang gobyerno ngayon na labanan ang iligal na droga sa bansa. Dahil dito, sinimulan na ng GMA Network ang responsibilidad na siguraduhing wala sa Kapuso stars ang maaaring maligaw ng landas.
Kamakailan lamang ay naghandog ng seminar ang Kapuso network patungkol sa illegal drugs. Layon nito na bigyang kaalaman ang mga artista sa mga epekto na idudulot ng paggamit ng ipinagbabawal na gamot.
Kahit busy ang kanilang schedule, dumalo sa nasabing seminar ang A1 Ko Sa 'Yo stars na sina Solenn Heussaff, Gee Canlas, Roi Vinzon. Pati na rin ang Hahamakin ang Lahat stars na sina Kristoffer Martin, Joyce Ching, Thea Tolentino, Bruno Gabriel at Renz Valerio. Dumalo rin sina Klea Pineda, Ralph Noriega at Bianca Umali.
Kuwento ni Bianca sa ulat ng 24 Oras, nais niya raw ipalaganap ang kanyang nalaman sa seminar. Aniya, "Gusto ko kahit papaano, magkaroon ako ng contribution sa youth na makapag-spread ng knowledge and that's actually why I attended the seminar."
Panoorin ang kabuuan ng video.
Video from GMA News
MORE STORIES ON CELEBS AGAINST ILLEGAL DRUGS:
LOOK: Mark Herras posts his drug test results
LOOK: Aljur Abrenica shares result of drug test
LOOK: What's the result of Dennis Trillo's drug test?