Masayang-masaya ang baguhang aktor na si Bruno Gabriel na napasama siya sa cast ng GMA Afternoon Prime drama series na Hahamakin Ang Lahat.
Ito ang kanyang unang project sa GMA Network, kaya naman nagpaunlak siya ng eksklusibong interview para lubos pa siyang makilala ng mga manonood.
Ayon kay Bruno, naniniwala siya sa motto na "Live vividly." Gusto niya ang mga babaeng "loving, loyal, passionate" at may mataas na pangarap.
Ibinahagi rin niya ang kanyang kakaibang "ligaw tactic." Paano nga ba manligaw si Bruno? Panoorin sa video na ito:
Mapapanood si Bruno sa una niyang drama series na Kapuso Network na Hahamakin Ang Lahat. Tunghayan ito Lunes hanngang Biyernes, pagkatapos ng Oh, My Mama! sa GMA Afternoon Prime.
MORE ON BRUNO GABRIEL:
WATCH: Bruno Gabriel plays Kamikazee's 'Narda' on the piano
WATCH: Bruno Gabriel, nahirapang umarte habang nagmamaneho