
“Nakakatuwa tapos kinilig talaga ako kasi tiningnan ko ‘yung mga gawa niya, parang ‘yun talaga ‘yung mga taste ko na may mga flowers ‘yung mga ganun,” - Marian Rivera
Puno ng ngiti ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera nang makapanayam ni Nelson Canlas para sa Chika Minute ngayong Huwebes ng gabi, November 10, habang nagkukuwento tungkol sa kaniyang anak na si Baby Zia.
Ayon sa proud mommy, sobra daw kulit at daldal na ng kaniyang baby girl at minsan pa raw ay humahabol pa sa kanila ng asawa niyang si Dingdong Dantes sa tuwing umaalis silang dalawa.
"Sobrang daldal niya na at saka ang sarap kausap, sumasagot na talaga siya. 'Pag iniiwan mo, naku, wala na humahabol na talaga. Sabi nga ng mama ko, si mama kasi nagbabantay pag matagal na ako wala, Diyos ko mga isang oras pa lang "Mama, mama, mama"."
Kamakailan lang, ibinahagi ng Kapuso Primetime Queen sa Instagram na isang Portuguese fashion designer ang kaniyang nakilala at gusto daw na damitan siya.
Kuwento ni Marian kay Nelson na personal pa daw siyang hinanap ni João Rôlo para gumawa ng dress para sa kaniya.
“Tinanong ko din sa kaniya, sabi ko paano mo ako nakilala, at saka bakit mo pa ako hinanap, para i-DM [direct message] ako para lang sabihin na gusto mo ako damitan,”
“Sabi niya nakita niya ako sa mga magazines, especially daw sa HOLA magazine, so after daw nun parang sinubaybayan daw niya ako.”
Gustong-gusto din ng Kapuso actress ang mga likhang damit ng naturang designer, dahil pasok daw ito sa kaniyang taste.
“Nakakatuwa tapos kinilig talaga ako kasi tiningnan ko ‘yung mga gawa niya, parang ‘yun talaga ‘yung mga taste ko na may mga flowers ‘yung mga ganun,”
LOOK: Portuguese designer João Rôlo working on a couture dress for Marian Rivera
MORE ON MARIAN RIVERA:
#HotMommas: Sexy moms reveal their secret behind their summer bods
MUST-SEE: Marian Rivera, bakit kinilig sa Instagram post ng former 'Mulawin' star Angel Locsin?
WATCH: Viral videos of Marian Rivera and Baby Z in twinning outfits