What's on TV

'Karelasyon' presents 'Dalawang Mukha'

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 23, 2020 6:32 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'Steel Ball Run: JoJo's Bizarre Adventure' to release first episode in March 2026
My Chemical Romance moves Asia show dates to November 2026fa
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News



May sikretong pagkatao ba ang iyong mister?

Sa unang tingin, masaya at tahimik ang buhay ng mag-asawang sina Edward at Margaret.

Ngunit sa likod nito ay patuloy na ginagambala ng pagdududa si Margaret. Minsan na niya kasing nahuli na may kasamang iba si Edward at hanggang ngayon ay dala-dala pa rin niya ang napaksakit na pagtataksil ng kanyang asawa.

Sa katauhan ng binata na si Jake, tila magbabalik ang bangungot na minsan nang nilang hinarap. Muli na naman bang matutukso si Edward --- hindi sa ibang babae kundi sa kapwa niya lalaki? Panahon na ba para tuldokan ang relasyong nilang binabalot ng pagdududa at pagkukunwari?  

Ito ang kontrobersyal na kwentong hatid ng Karelasyon ngayong Sabado, November 26. Pinangungunahan ni Ms. Ina Raymundo na gaganap bilang si Margaret, ang babaeng minsan nang pinagtaksilan ng kanyang mister sa ibang lalaki. Kasama si Carlos Morales bilang Edward at Ken Anderson bilang Jake. Mula sa panulat at direksyon ni Adolfo Alix, Jr.

Mapapanood ang Karelasyon kasama si Ms Carla Abellana tuwing Sabado pagkatapos ng #Like.