What's on TV

WATCH: Ryza Cenon, sasabak sa kanyang first kontrabida role

By MARAH RUIZ
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 20, 2020 3:03 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Side-hustling Pinoys bring artists to Dubai for the holiday season
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News



Si Ryza ang napili para gumanap bilang Georgia sa upcoming GMA Afternoon Prime series na Ika-6 Na Utos.

Masayang masaya si Kapuso actress Ryza Cenon dahil sa wakas ay gaganap na rin siya bilang isang kontrabida. 

Si Ryza kasi ang napili para gumanap bilang Georgia sa upcoming GMA Afternoon Prime series na Ika-6 Na Utos. Medyo sexy at daring din ang magiging look niya para sa serye. 

"Mas maiinis sila sa akin kasi ibang iba atake niya eh, ibang iba atake ni Georgia. Kakaibiganin niya ang asawa," pahayag ni Ryza. 

Makakasama niya sa serye sina Sunshine Dizon at Gabby Concepcion na gaganap na mag-asawang Emma at Rome. Si Ryza naman ang 'other woman' na sisira sa samahan ng dalawa. 

"Nae-excite ako na nape-pressure. Nacha-challenge din. Humihingi din ako ng advice kay ate Shine about naman sa pagiging kontrabida,' kuwento ni Ryza. 

Panoorin ang buong ulat ni Aubrey Carampel para sa 24 Oras dito: 

MORE ON IKA-6 NA UTOS:

Ika-6 Na Utos: Hindi sapat?

Ika-6 Na Utos: Huwag makiapid