What's Hot

WATCH: Jean  Garcia, nag-react sa hindi pagkakasali ng kanyang pelikula sa MMFF

By CHERRY SUN
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 24, 2020 10:33 AM PHT

Around GMA

Around GMA

CEO of Prince Harry and Meghan’s charitable arm to step down
Dagan sa Panahon Sayran nato Karong Adlawa December 29, 2025 | Balitang Bisdak

Article Inside Page


Showbiz News



"Hatiin natin ‘yung gusto ng nakakarami at ng buong manonood." - Jean Garcia


Samu’t sari ang naging reaksyon ng mga nagnanais maging kalahok at pati na ng mga manonood nang ianunsyo ang lineup ng mga pelikula para sa Metro Manila Film Festival (MMFF) ngayong taon. Sa ulat ng 24 Oras, nagbigay ng pahayag si Jean Garcia na kabilang sa pelikulang Chinoy Mano Po 7. 

Malungkot na ibinahagi ni Jean ang kanyang saloobin dahil hindi nakapasok ang kanyang pelikula sa naturang film festival.

Aniya, “Wala namang problema kung paano ‘yung pagpili eh. ‘Yung sa akin lang, maging fair na kumbaga ihati. Alam mo ‘yun, hindi ko sinasabing makabuluhang pelikula, hindi makabuluhang pelikula. No. Hatiin natin ‘yung gusto ng nakakarami at ng buong manonood."

Dahil din dito, maiiba ang panahon kung kailan mapapanood ang mga pelikulang hindi nakapasok sa MMFF. Sa December 17 ay simula na ng screening ng Chinoy Mano Po 7. Samantala, iaanunsyo raw ni Bossing Vic Sotto sa mga susunod na araw kung kailan ipapalabas ang kanyang pelikulang Enteng Kabisote 10 and the Abangers. 

 

MORE ON METRO MANILA FILM FESTIVAL 2016:

WATCH: Trailers of MMFF 2016 official entries

LIST: 4 na inaabangang pelikula na hindi nakapasok sa MMFF 2016

LOOK: Die Beautiful ni Paolo Ballesteros at 7 pang pelikula, opisyal na kalahok sa MMFF 2016