
Ano kaya ito?
Sunod-sunod ang madadamdaming posts ng Parokya ni Edgar vocalist Chito Miranda patungkol sa kanyang asawang si Neri Naig at anak na si Alfonso. Nitong Miyerkules, November 23, lamang ipinanganak ng dating aktres ang kanilang panganay.
LOOK: Meet Chito Miranda and Neri Naig's baby boy
Sa kanyang Instagram account ay may iniwang pangako si Chito sa kanyang mag-ina.
Aniya, "This is my family. I will do everything in my power para maalagaan sila [nang] maayos, to provide for them, to spoil them, and to give them an advantage sa future. I will save and invest all my money for them. I will take care of myself better para mabantayan ko sila hanggang sa pagtanda ko. I will behave and not do anything stupid, I will work harder, and spend as much time with them as possible."
Ikinuwento rin ng singer na kumuha siya ng health care plan para sa kay Alfonso, who was named after him.
"Kumuha din ako ng cordlife para sa anak ko. Mga 8k a year lang yun, chong. Google nyo. Sobrang solid yun. Para kahit paano mas kampante ako sa health ng anak ko sa future. Parang spare tire lang yan eh. Ayaw mo syempre na ma-flatan ka, pero at least kampante ka na may reserba ka...just in case. Hindi yung maghahanap ka lang ng reserba kung kelan flat na yung gulong mo."
May isang post pa si Chito kung saan sinasabi niyang very proud siya kay Neri sa pagsilang sa kanilang anak.
MORE ON THE MIRANDAS:
Chito Miranda, humingi ng paumanhin sa nasiko niya habang inaalalayan ang buntis na asawa
IN PHOTOS: The Tagaytay home of 'Parokya ni Edgar' vocalist Chito Miranda