What's Hot

Baron Geisler, nagpaliwanag sa pambabastos umano kay Ping Medina sa isang pelikula

By ANN CHARMAINE AQUINO
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 24, 2020 7:17 PM PHT

Around GMA

Around GMA

2 persons hit by stray bullets in Iloilo, Bacolod
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve
A cake for pet dogs? Chef RV shares new recipe

Article Inside Page


Showbiz News



Nagbigay na ng pahayag ang aktor na si Baron Geisler pagkatapos kumalat ang kuwento tungkol sa pambabastos umano nito sa kanyang co-actor sa isang indie film na si Ping Medina.


Nagbigay na ng pahayag ang aktor na si Baron Geisler pagkatapos kumalat ang kuwento tungkol sa pambabastos umano nito sa kanyang co-actor sa isang indie film na si Ping Medina.

READ: Baron Geisler, binastos diumano si Ping Medina habang nagte-taping

Kagabi (Nov. 28) ay isinalaysay ni Ping at ng direktor na si Arlyn dela Cruz ang kanilang panig sa nasabing pangyayari. Hindi nagtagal ay nagbigay na rin ni Baron ang kanyang paliwanag sa pamamagitan ng kanyang Facebook account.

Pagsisimula ni Baron, "Good afternoon po direk. Sorry. Pero you and I both know na malaking misunderstanding po ang lahat. I asked you three times na direk may gagawin po ako then you just said gawin mo nalang sa eksena. Kung tinanong nyo po ako kung ano yun di sana nabawasan ang mga bagay na ito."

Sa kanyang statement, inihalintulad rin ni Baron ang kanilang direktor sa isa pang direktor na si Brilliante Mendoza. Bukod rito, sinabi rin ni Baron na may proof siya sa mga behind the scenes footage ng kanilang pelikula.

"You are our captain sa set. You can check the bts for proof kung bastos ako towards anyone. Wala po. May proof. But you were trying to pull off a Brillante Mendoza, bulong ka sa artista na samapalin mo para magulat or maganda reaction. I was slapped many times. So I thought... ahhh... so it's ok pala to surprise my co-actors sa set. So low po of you to discredit my name. You are better than that po. Mahal kita. #HUGASKAMAY #PONTIUSPILATE #EPICFAIL" pagtatapos nito.

MORE ON BARON GEISLER:

LOOK: Ano ang resulta ng drug test ni Baron Geisler?

Baron Geisler and Mo Twister involved in a heated social media exchange