
"Kung may anak ako na iba, sobrang ipagmamalaki ko din sya ng todo. Bakit ko naman itatago? Ano ako? Showbis?" - Chito Miranda
Ngayong araw (Dec. 11), ibinahagi ni Neri Naig-Miranda ang video nang unang masilayan sa ospital ni Chito ang anak nilang si Miguel Alfonso or Baby Miggy.
Kuha ang video ng pediatrician ng kanilang anak.
Ibinahagi din ni Neri kung bakit Miguel Alfonso ang napili nilang ipangalan sa bata.
"Si Chito ang may gusto ng pangalang 'Miguel,' para daw kapag pinakilala niya ang anak niya, sasabihin nya daw, "This is my son, Miguel". Hahaha! Maloko ang tatay pero buti na lang at maganda ang pangalang Miguel.
"Ako naman gusto ko yung 'Alfonso' kase 'yun ang real name ni Chito saka lolo ni Miggy. Tapos unang apo na magdadala pa ng Miranda na apelyido."
Pero isang netizen na may handle na @visaya_ko ang nag-comment sa post ni Neri at nagsabi na may anak na raw si Chito.
Agad namang pinabulaanan ito ng misis ni Chito.
Sa huli, mismong si Chito na ang sumagot kay @visaya_ko. "May anak na iba maliban kay Miggy?! Haha! Kung may anak ako na iba, sobrang ipagmamalaki ko din sya ng todo. Bakit ko naman itatago? Ano ako? Showbis? Mga ubod ng tangang mahilig sa chismis lang po 'yung mga naniniwala sa mga ganung balita hahaha!"
MORE ON CHITO AND NERI MIRANDA:
Neri Naig on husband Chito Miranda: "Siya ang private nurse ko"
MUST-READ: "Mamahalin ko talaga 'tong babaeng 'to ng todo-todo" - Chito Miranda on wife Neri