
Dahil sa kanyang acting, napagkamalan si Nar na fan ng aktres.
Nagmistulang paparazzi ang My Love from the Star co-star ni Ultimate Star Jennylyn Mercado na si Nar Cabico nang kunan niya ang leading lady ng video sa first taping day nito.
WATCH: Jennylyn Mercado at Gil Cuerva, nagsimula na mag-taping para sa ‘My Love from the Star’
Natuwa ang aktres sa video, “Nakakatawa ‘yung effect!!! Parang totoong paparazzi!” Sumang-ayon rin ang kanilang Superstar Duets co-star na si Jerald Napoles, “Ang ganda ng alog ng camera eh.”
Dahil sa kanyang acting, napagkamalan si Nar bilang fan ng aktres kaya muntik siyang paalisin ng lady guard.
Isang celebrity na nagngangalang Steffi Cheon ang gagampanan na role ng aktres sa Korean TV series remake habang si Nar naman ang magiging handler nito.
LOOK: The cast of ‘My Love from the Star’