
Ano ang Christmas tradition na ginagawa taon-taon ng pamilya ni Ken Chan?
Sa isang exclusive interview with Ken Chan, sinabi ng aktor na pinakaimportante sa kanya na tuwing Pasko ay magkakasama silang buong pamilya.
Ika niya, "Ang plans ko ngayong Pasko, 'yung tradition na ginagawa naming buong pamilya. I make sure na every time na darating ang Pasko, talagang mini-make sure ko na sama-sama kami buong pamilya. Dahil, for me, doon ko nararamdaman 'yung spirit of Christmas, 'pag I’m with my family."
Very Filipino Christmas din naman ang way nila mag-celebrate. Aniya, "And 'yung talagang tradition na kakain kami sabay-sabay, magluluto kami ng mga paborito naming pagkain sa bahay, magkakantahan."
MORE ON 'MEANT TO BE':
Ken Chan to his fans: “I am [grateful] to have you in my life”
IN PHOTOS: Ken Chan’s new look
Ken Chan, gusto sana maging prom date si Barbie Forteza?