What's Hot

WATCH: Ilang Kapuso stars, bumida sa Metro Manila Film Festival Parade of Stars

By CHERRY SUN
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 22, 2020 1:48 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: January 13, 2026
Beauty Gonzalez, Kris Bernal face off in family drama ‘House of Lies’
Pagtulong ng GMAKF sa mga nilindol sa Caraga, nagpatuloy sa kabila ng panibagong pagyanig | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News



Lalong ginanahan sina Eugene Domingo, Rhian Ramos at Paolo Ballesteros sa nakitang pagtanggap sa kanilang parade.


Hindi nabigo ang mga fans na makita ang kanilang mga iniidolong artista sa Metro Manila Film Festival (MMFF) Parade of Stars.

Iniulat sa 24 Oras na naglabasan sa kalsada ang mga tao para abangan ang pagdaan ng mga float. Nangunguna rito ang karosa ng pelikulang Ang Babae sa Septic Tank 2 kung saan nakasakay si Eugene Domingo. Sinundan naman ito ng Die Beautiful float sakay si Paolo Ballesteros na nakabihis bilang si Angelina Jolie. Nandoon din ang mga karosa ng Kabisera kasama si Nora Aunor, Saving Sally na kinabibilangan ni Rhian Ramos, Seklusyon, Sunday Beauty Queen, at Vince and Kath and James.

Lalong ginanahan ang mga artista sa nakitang pagtanggap sa kanilang parade.

Ani Eugene, “Congratulations na agad sa MMFF 2016. Nakita naman po natin, ang daming nag-aabang. Nakakatuwa at makukulay ang ating mga karosa ngayon. And of course, we all have the stars today.”

“Masayang-masaya ako dahil sa tagal ng panahon na wala akong pelikula sa Metro Manila Film Festival, eto at nagkaroon ako ng pelikula ngayon sa pamamagitan ng Kabisera,” pahayag naman ng Superstar.

Hindi rin alintana ng mga artista ang init ng panahon at pagkakagulo ng mga tao sa parade.

Sambit ni Paolo, “Ako pa! Hello, Juan for All [All for Juan], kayang kaya namin ‘yan. Sanay na sanay.”

Wika naman ni Rhian, “’Yung makasama kami sa parade, we were nervous. A little bit scared pero excited also kasi for a lot of people in our float, first time (to join the parade).”

Video courtesy of GMA News

MORE ON THE METRO MANILA FILM FESTIVAL 2016:

IN PHOTOS: Metro Manila Film Festival 2016 Parade of Stars

READ: President Duterte, may panawagan para sa MMFF

WATCH: Official trailers of MMFF 2016 entries