
Ayon sa men's magazine, isa daw si Kim sa mga most-requested models ng kanilang readers kaya't front and center ngayon ang aktres sa cover nito.
Magsisimula pa lang ang Bagong Taon ay may pasabog nang handog ang Kapuso sexy star na si Kim Domingo dahil siya ang January 2017 cover girl ng FHM Philippines!
Ayon sa men's magazine, isa daw si Kim sa mga most-requested models ng kanilang readers kaya't front and center ngayon ang aktres sa cover nito.
Ayon sa feature na isinulat ng FHM, inamin ng sexy star na ngayong isa na siyang ganap na artista, marami siyang challenges na kinakaharap.
Aniya, "Yung biggest challenge ko ngayon is kung paano ako tatagal sa industriya. I want to prove to everyone that talent still reigns. Ang pagiging Pantasya ng Bayan ay hindi kasing simple ng pagpapakita ng katawan. Sex appeal is beyond showing skin."
Maliban pa dito, nais patunayan ni Kim higit pa sa pagpapa-sexy ang kaya niya at gusto niyang makilala siya bilang magaling na aktres.
"Ngayon ang image ko talaga is pa-sexy, pero sana mabigyan ako ng pagkakataon gumawa ng heavy drama. Gusto ko talaga 'yun. Gusto kong patunayan sa ibang tao na hindi lang ako pa-sexy; na kaya ko rin umarte. Gusto kong makilala bilang aktres at hindi lang sexy icon. Pero actually, okay makilala bilang sexy na aktres. Bakit hindi?"
Matatandaan na sa kakalipas na FHM 2016 Victory Party, nakatanggap ng masigabong palakpakan si Kim ng siya'y pinakilala sa entablado.
Noong December 2015 naman ay nag-pose din siya para sa cover ng FHM.
MORE ON KIM DOMINGO:
Kapuso Calendar Girls: Kim Domingo, Andrea Torres, Max Collins, and Janine Gutierrez
LOOK: Kim Domingo memes for 'Mang Kepweng Returns'
WATCH: Pechay recipe ni Kim Domingo