What's Hot

WATCH: Camille Prats, ibinahaging si Ogie Alcasid mismo ang nag-alok na kumanta sa kanyang kasal

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 21, 2020 11:27 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Woman killed by live-in partner in Caloocan
Bagong steel hanging bridge, handog ng GMA Kapuso Foundation sa Rodriguez, Rizal | 24 Oras
Hospitals activate Code White on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News



Inawit ni Ogie Alcasid ang kantang "Pangarap Ko Ay Ibigin Ka" habang palakad si Camille sa altar. 


Isang dream come true ang napakagandang wedding ceremony nina Kapuso actress and host Camille Prats at ng kanyang non-showbiz partner na si VJ Yambao.

Lalo pa itong napaganda dahil ang iconic OPM singer na si Ogie Alcasid pa ang umawit ng kantang "Pangarap Ko Ay Ibigin Ka" habang palakad si Camille sa altar. 

Ayon sa asawa ni Camille na si VJ, si Ogie daw mismo ang nag-offer na kumanta para sa kanilang kasal. 

"Si Ogie, nag-guest dito noon, nag-promote siya ng album niya. Nasabi [ni Camille] na ikakasal siya, tapos nag-insist naman si Mr. Ogie Alcasid na siya 'yung kakanta," bahagi nito sa programang Mars.

Nahihiya pa nga raw noong una si Camille na tanggapin ang alok ng singer, kaya kahit sa mismong araw ng kanyang kasal, siya pa rin ang nag-asikaso kay Ogie. 

"That's the least that I can do, na ma-make sure ko na hindi ka rin ma-hassle doon sa pagpunta mo. Bilang 'yung regalo mo sa amin siguro ay ang hiling ng bawat babaeng ikakasal—to have him sing on their wedding day. Siyempre, mine came true and that's because of him," kuwento naman ni Camille. 

Alamin pa ang ibang detalye tungkol sa kanilang wedding, sa interview nila sa Mars:


MORE ON CAMILLE PRATS:

WATCH: Camille Prats at VJ Yambao, sa Europe balak mag-honeymoon

WATCH: Camille Prats and VJ Yambao cry, laugh, and dance in wedding video