What's on TV

Vaness del Moral, nagpaalam na bilang Gurna ng 'Encantadia'

By MARAH RUIZ
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 20, 2020 12:33 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PH companies lost P4 trillion to fraud in 2025, TransUnion says
Group condemns alleged poisoning of dogs in Samal
These are the biggest food stories of the year

Article Inside Page


Showbiz News



Paalam, Gurna!

Sa isa na namang kapanapanabik na episode ng top-rating telefantasyang Encantadia, natuklasan na ni Sang'gre Pirena (Glaiza de Castro) ang mga panlilinlang sa kanya ni Gurna.

Bilang ganti, pinaslang niya ang damang nagpalaki sa kanya. 

Dahil namaalam na si Gurna, nagbigay ng pasalamat si Vaness del Moral na gumaganap sa kanya.

 

Mula sa kabuturan ng aking puso! Isang karangalan na gamoanan ko ang karakter na si Gurna! Isang maligayang karanasan na hindi ko malilimutan, hindi ipagpapalit at hindi ko kalilimutan! Sa mga nagalit, nainis, at nag sumpa kay Gurna maraming salamat! Sa mga nagmahal din sa kanya, salamat din! Paalam Encantadia! Paalam mahal kong alaga Pirena! Avisala esham! Ivo livi Encantadia! E correi diu!

A photo posted by Vaness Del Moral (@vaness_delmoral) on


"Mula sa kabuturan (sic) ng aking puso! Isang karangalan na gamoanan (sic) ko ang karakter na si Gurna! Isang maligayang karanasan na hindi ko malilimutan, hindi ipagpapalit at hindi ko kalilimutan!," sulat niya sa bahagi ng kanyang caption.

Nagbigay rin siya ng mensahe sa mga manonood ng serye. 

"Sa mga nagalit, nainis, at nagsumpa kay Gurna maraming salamat! Sa mga nagmahal din sa kanya, salamat din!" aniya. 

"Paalam Encantadia! Paalam mahal kong alaga Pirena! Avisala esham! Ivo livi Encantadia! E correi diu!" pagtatapos niya sa caption ng kanyang post. 

Ngayong alam na ni Pirena ang totoo, ito na ba ang hudyat para makipag-isa siya sa kanyang mga kapatid na Sang'gre?

Abangan ito sa Encantadia, Lunes hanggang Biyerns, pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.

MORE ON VANESS DEL MORAL:

Vaness del Moral, natatakot nang lumabas ng bahay dahil sa mga taong galit kay Gurna

#Pashneya: Netizens, beastmode kay Gurna ng 'Encantadia'