What's Hot

WATCH: Isabella de Leon, ginulat ni John Estrada

By OWEN ALCARAZ
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 21, 2020 8:10 AM PHT

Around GMA

Around GMA

NCAA: Nathan Egea, Letran Squires oust EAC to reach Juniors basketball finals
'Wilma' weakens into LPA near Cataingan, Masbate
XG's Cocona undergoes top surgery, comes out as AFAB transmasculine non-binary

Article Inside Page


Showbiz News



#greattalent


Marahil ay nasa cloud nine pa rin ang Kapuso artist na si Isabella de Leon matapos nitong makaharap ang actor na si John Estrada.

Sa katatapos lamang na kaarawan ng Wowowin host na si Willie Revillame, nagkaroon ng pagkakataon si Isabella na makilala ng personal ang beteranong aktor. 

Sa video na ibinahagi ng dalaga sa kanyang Instagram account, tila isa sa mga performers si Isabelle habang si John naman isa sa mga bisita ni Kuya Wil.

Tinanong ng aktor ang pangalan ng dalaga at kinumpirma kung sa GMA Network ito nagtatrabaho na mabilis namang sinangayunan ng batang aktres.

Sa hindi inaasahang pagkakataon, sinabi ng matandang aktor na "Kung ako sa GMA 7 hindi ka na dapat pang pakawalan dahil magaling kang bata ka, napaka-talented..."

Panoorin sa ilalim ang buong video:

 

Nagulat ako sa sinabi ni kuya john estrada! Hindi ko in-expect! ???? - - - - #birthday #willierevillame #winfordhotel #wowowillie @joeyabacan @arnold_vegafria @drshimmian

A video posted by Isabella Daza De Leon (@isabelle_deleon) on


Si Isabella ay huling napanood sa GMA Afternoon Prime na Magkaibang Mundo. 

Ang 22-year-old actress ay nagsimula sa mundo ng showbiz via a title role sa GMA drama series na Munting Anghel. Gumanap din siya bilang isa sa mga anak ni Vic Sotto sa defunct sitcom na Daddy DiDoDu mula 2001 hanggang 2007.

Nanalo din siya bilang best child actress noong 2004 sa pelikulang Magnifico.

MORE ON ISABELLA DE LEON:

WATCH: Isabelle de Leon, sinubukan ang target shooting

Pagiging kontrabida ni Isabelle de Leon, pinuri ng netizens

EXCLUSIVE: Isabelle de Leon, malaki raw ang utang na loob  kay Duday ng 'Daddy Di Do Du'

 

Photos by: @isabelle_deleon (IG)