
Read what the first Filipina to win Miss Universe thinks about Maxine now.
Binawi ni Miss Universe 1969 Gloria Diaz ang sinabi niyang “one in a million” ang chance ni Philippine bet Maxine Medina na makoronahan bilang Miss Universe 2016.
READ: Gloria Diaz on Maxine Medina winning the Miss Universe crown: “No, but I think she has a chance”
Sa red carpet event kaninang umaga, napabilib ang dating beauty queen sa husay na ipinakita ng 26-year-old model sa preliminaries ng 65th Miss Universe competition.
Saad niya sa Unang Hirit, “I changed my mind. I’m like Duterte. Huwag niyong pansinin ang sinabi ko.”
WATCH: Gloria Diaz, nilinaw ang sinabing maliit ang chance ni Maxine Medina sa Miss Universe
Gandang-ganda ang beauty queen-turned-actress sa pambato ng Pilipinas at sa tingin niya ay posible ang back-to-back win.
“I’m sure mananalo si Maxine. [Ang] ganda ng katawan niya sa bathing suit, sa long gown tapos ang ganda ng long gown. I like everything about her. I think of Isabelle when I look at her so siyempre, what bigger compliment can I give.”]
Photo by: PTVph (FB)